Napolcom Pangasinan, inihayag ang kahalagahan ng personal hygiene sa imahe ng mga pulis

Naniniwala ang National Police Commission (Napolcom) Pangasinan sa kahalagahan ng tamang hygiene ng isang pulis para maiangat ang kalidad ng kanilang trabaho, pagbibigay ng serbisyo publiko at seguridad ng mamamayan.

Ayon kay Napolcom Provincial Director Atty. Monday Samson na hindi kaaya-aya ang magdura, maninigarilyo, magkamot o mangulangot habang on duty ang mga ito dahil magiging kabawasan ito sa imahe ng pulisya.

Dagdag pa ni Samson, anuman ang masamang gawain o kilos ng isang pulis na maipapakita sa harap ng publiko ay tiyak na buong hanay ng kapulisan ang maaapektuhan kahit mula sa isang maliit lamang na pagkakamali.

Kaya naman paalala pa ni Samson, na bigyang halaga ang bawat unipormeng suot ng kapulisan habang nagpapatrolya sa lansangan.

Speak Your Mind

*