OFWS Dollar Remittances, pumalo sa 5-month high ayon sa BSP

Nagtala umano ng 5-month high ang dollar remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’S), sa kabila nang “freeze hiring” ng bansang Taiwan at tensyon sa gitnang silangan.

Sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot ng $1.867-billion ang perang naipadala sa bansa ng mga OFWS para sa buwan ng Mayo, na umano’y mas mataas sa 5-percent growth projection ng BSP para sa buong taon.

Ayon kay BSP Governor Amando Tetangco, Jr., sa kabila ng mga kinakaharap na problema ng mga OFWS, inaasahan pa rin umano nila lalakas pa ang remittances dahil sa malaking demand para sa mga skilled filipino manpower sa maraming dayuhang bansa.

Nangunguna naman ang United States bilang top source ng remittances habang pumapangalawa ang Saudi Arabia na sinusundan ng United Kingdom, United Arab Emirates, Singapore, Canada at Japan.

Speak Your Mind

*