Pag-phase out sa mga kalawangin at bulok na jeep, planong isulong ng LTFRB

Muling pinag-iisipan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtatakda ng age limit sa mga pampasaherong dyip.

Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez, na plano nilang i-phase out ang mga kalawangin at lumang jeep, pero nilinaw din niya na pinag-uusapan pa lamang nila ito.

Unang isinulong ito ni dating LTFRB Chair Elena Bautista noong 2004, ngunit hindi ito naipatupad.

Inaasahan naman ni Ginez na tututulan ng transport groups ang naturang plano kaya tiniyak niya na bago ito ipatupad ay magkakaroon muna ng konsultasyon sa lahat ng mga grupong maaaring maapektuhan nito.

Speak Your Mind

*