Paggamit ng solar energy, isinusulong ng DOST bilang alternationg enerhiya

Isinusulong ngayon ng Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST) ang paggamit ng solar energy bilang alternatibong mapagkukunan ng kuryente.

Ayon kay DOST Provincial Director Felipe Andrada, malaking tulong ito para sa mga Pangasinense dahil ang solar energy ay libre makukuha mula sa sikat ng araw.

Bagamat may kamahalan umano ang solar panel, pero malaking katipiran naman ito sa energy consumption at malaki ang maitutulong sa pangangalaga ng kalikasan,

Ang isang solar panel ay nagkakahalaga ng P65,000 na kayang makapag-produce ng 200 watts, kasama na ang dalawang reserve battery pack na maaring gamitin kahit panahon ng tag-ulan.

Speak Your Mind

*