Paglobo ng mga illegal settlers sa Pangasinan, ginagawan na ng paraan ng Prov’l Govt.

Hindi nakaligtas ang lalawigan ng Pangasinan sa taun-taong paglobo ng mga illegal settlers kung saan mahigit sa dalawampung libong squatters ang naninirahan na rito.

Kaugnay ito sa pangkaraniwang problema ng bansa na nagiging sanhi ng pagsikip ng mga lugar dahil sa pagtaas ng populasyon.

Ayon kay Engr. Alvin Bigay ng Pangasinan Housing and Urban Development and Coordinating Office, hindi mapipigilan ang ganitong sitwasyon lalot lahat ng pamilya sa rural area ay naghahanap ng mas malapit na lugar sa kanilang hanapbuhay at ikabubuhay.

Sa ngayon puspusan rin ang pakikipag ugnayan ng pamahalaang panlalawigan kung paano tutugunan ang nasabing suliranin sa pamamagitan ng paglalaan ng resettlement area para sa mga ito upang maging maayos ang sitwasyon saan mang lugar sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*