Pagpapalago ng isdang pampano, malaking tulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

Nais payabungin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pampano fish industry sa Pilipinas para makapagluwas sa ibang bansa sa susunod na limang taon.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, ang paglinang sa pampano fish ay mabuting alternatibo sa bangus culture gamit ang fish cages sa mariculture zones ng Region 4a at Region 11.

Sinabi pa ni Perez na ang isdang pampano, tulad ng pangasius ay iniluluwas sa merkado ng US at Europe sa unang paghango pa lamang.

Maaring ibenta ang isdang pampano sa P280 hanggang P320 kada kilo habang ang production cost nito ay nasa P160 hanggang P180 kada kilo.

Speak Your Mind

*