Pagtaas ng bilang ng mga gurong nasasangkot sa corporal punishment, ikinabahala ng Deped Pangasinan 1

Ikinababahala na ng Department of Education (Deped) Pangasinan 1 ang pagtaas ng bilang ng mga gurong nasasangkot sa nananakit ng kanilang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng pangasian.

Dahil dito, ipinaalala ni Deped Pangasinan 1 School Division Superintendent Dr. Alma Torio, na mahigpit na ipinagbabawal ng Deped sa mga guro ang corporal punishment na mula sa simpleng pamamalo at pangungurot sa mga bata.

Sinabi ni Dr. Torio, hanggat maaari iwasan ng mga guro na magpadala sa galit at init ng ulo, mas mabuti aniyang lumabas ng silid aralan upang maiwasan na makapanakit ng mga estudyanteng matitigas ang ulo.

Idinagdag pa ng Deped na wala silang magagawa kung may matatanggal silang reklamo laban sa mga guro na nagsagawa ng corporal punishment kundi ito kanilang imbestagahan. dzrd newscenter

Speak Your Mind

*