Pagtaas sa presyo ng gulay, asahan na umano ngayong patuloy ang pag-ulan

Asahan na umano ang pagtaas sa presyo ng mga gulay o agricultural products ngayong patuloy ang pag-ulan sa buong bansa.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Salvador Salacup, ito’y sa kadahilanang magpapalit  ng tanim ang mga magsasaka tuwing panahon ng tag-ulan.

Dagdag pa ni Salacup, isa sa nagiging dahilan sa pagtaas ng presyo ng gulay ay dahil sa pagkakasira ng mga tulay o daan dulot ng flash floods.

Sa ngayon, nakakaramdam na ng bahagyang paggalaw sa presyo ng agricultural products sa kalakhang maynila.

Speak Your Mind

*