Pananalasa ng heat wave sa West America, posibleng maranasan pa sa susunod na linggo

Mahigit pito katao na ang naitatalang patay sa pananalasa ng heat wave sa mga estado sa West America.

Natagpuang patay ang pito katao sa Arizona na pinaniniwalaang inatake dahil sa matinding init ng panahon.

Sa Death Valley, California, pumalo sa 53.3 degrees celsius ang temperatura sa ikalawang sunod na araw na.

Napantayan naman ng 47 degrees celsius na temperatura sa Las Vegas, ang naitalang record noong 1942.

Ayon sa National Weather Service, ang record-breaking na heatwave ay tatagal pa umano ng isang linggo.

Speak Your Mind

*