Panghahalay sa mga patay, isinusulong na papatawan ng mas mabigat ng parusa

Isinusulong ngayon ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na magkaroon ng mas mabigat na parusa at ideklarang heinous crime ang necrophilia o panggagahasa sa isang yumaong indibidwal.

Batay sa House biLl 1375 na inihain ni Arroyo, makakasama sa kasong ito ang anumang pamamaraan ng sexual intercourse, anal o kahit oral sex sa isang yumao.

Tinukoy din ng lady solon ang panghahalay sa patay na isa sa karumaldumal na maaaring magawa ng tao kaya nararapat itong patawan ng mabigat na parusa.

Ang mapapatunayang guilty sa necrophilia ay maaaring makulong ng 15 taon at mapagmulta ng hanggang P100,000 hanggang kalahating milyon o depende sa kapasyahan ng may hawak na hukuman.

Speak Your Mind

*