Patakaran ng water concessionaires, pinatitityak na hindi madedehado ang mga consumer

Pinatitiyak ng malakanyang sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi madedehado ang publiko sa balak ng Manila Water at Maynilad na itaas ang singil sa tubig.

Sinabi ni Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma na tungkulin ng regulatory office ng MWSS na protektahan ang kapakanan ng mga consumer.

Ayon kay Coloma, suportado ng malakanyang ang hakbang ng mwss na busisiin ang patakaran ng Manila Water at Maynilad.

Ginawa ng palasyo ang pahayag kasunod ng pagkakabunyag sa kalakarang ginagawa ng dalawang water concessionaires kung saan ipinapasa ng mga ito ang kanilang income tax at iba pang philippine business tax sa mga consumer.

Speak Your Mind

*