Philippine Rugby Team, walang nakuhang panalo sa World Cup Sevens sa Moscow, Russia

Lumasap ng 50-0 pag­katalo ang Philippine Rugby Team sa kamay ng Japan sa Rugby World Cup Sevens sa pagtatapos ng kompetisyon kahapon sa Moscow, Russia.

Ang Pilipinas at Japan ay nakasama sa walong koponan na naglaban para sa bowl trophy matapos hindi makatikim ng panalo sa preliminary round.

Bago ito, ang Philippine Volcanoes ay naglaro sa Prelims sa pool c ngunit lumasap sila ng 45-5 pagkatalo sa  Kenya, 29-0 pag­yukod sa Samoa at 19-7 pagluhod sa Zimbabwe.

Ito ang unang pagkakataon na nasali ang Pilipinas sa World Cup at nangyari ito nang talunin ang South Korea sa qualifying noong nakaraang taon.

Speak Your Mind

*