Philippine Sports Commission, mas mababang pondo ang matatanggap sa 2014

Nakatakdang tumanggap lamang ng kabuuang P183-milyon ang philippine Sports Commission mula sa General Appropriations Act para sa pondo nitong gagamitin sa 2014.

Ito ang isiniwalat ng isang opisyal sa Department of Budget and Management (DBM) kung saan humingi ang ahensiya ng kabuuang P1-bilyon subalit nabigyan lamang ng mas mababang pondo.

Ang itinakdang budget ay mas mababa kumpara sa natanggap ng ahensiya ngayong taon na P210 milyon.

Inaasahan naman na aapela ang PSC para sa karagdagang pondo na dadaan pa sa pag-apruba ng joint committee ng senado at kongreso upang mapunan ang pinaglalaanan nitong pondo para sa mga pambansang atleta, coaches at pati na sa empleyado ng ahensiya.

Speak Your Mind

*