Phillip Salvador, pangarap na magkita ang anak kay Kris Aquino

Bagama’t wala sa kanyang poder, updated umano ang aktor na si Phillip Salvador sa lahat ng tungkol kay Josh na kanyang anak sa ex-girlfriend na si Kris Aquino.

Ayon kay Ipe, alam niya na malaki ang ipinayat ni Josh lalo’t ito ay tumatakbo at nagsi-swimming.

Inamin ng aktor na hangad nito na balang-araw ay magkikita si Josh pero naniniwala siyang diyos lamang ang makakagawa noon.

Kung maaalala, naikompara pa ng presidential sister si Salvador kay James Yap.

Inihayag ni Kris na na-appreciate niya ang pagkatao ni Salvador dahil hindi raw ginulo si Josh, walang hiningi sa kanila at sa halip ay hinayaan ang kanyang pamilya na palakihin si Josh.

Speak Your Mind

*