Pinakamaraming informal settlers sa Pangasinan, naitala sa bayan ng Binmaley

Mahigpit ang pagbabantay ngayon ng Pangasinan Housing and Urban Development and Coordinating Office sa mga professional informal settler syndicate na nanamantala sa mga squatters upang maging kasangkapan sa iligal na hanapbuhay.

Itoy kaugnay sa paglobo ng populasyon ng mga squatter families kung saan itinuturing na sakit sa mata ng pamahalaan dahil sa kawalan ng opisyal na tirahan at nagiging sanhi ng pagsikip sa daluyan ng tubig, at pagdami ng basura sa kailugan na siyang nagiging sanhi rin ng pagbaha sa ilang lugar sa pangasinan.

Sa kabuaan, ang bayan ng Binmaley, Pangasinan ang may tala ng pinakamaraming informal settllers sa lugar na ginagawan na rin ngayon ng paraan ng bagong pamunuan ng bayan sa pangunguna ni Mayor Simplicio Rosario.

Sa ngayon, balak makipag-ugnayan si Rosario sa mga ahensiya at Office of the Vice President para sa pagbili nito ng lupang paglilipatan sakaling maalis na ang mga informal settlers sa nasabing bayan.

Speak Your Mind

*