Pinay drug mule, binitay na sa China kaninang umaga

Tuluyan nang binitay sa China ang Pinay na nahulihang nagpasok ng ilegal na droga doon.

Sa isang press conference, inanunsyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Raul Hernandez na pinatawan na ng parusang kamatayan ang Pinay Drug Mule miyerkules ng umaga.

Maliban dito, tumanggi na si Hernandez na ibigay ang iba pang detalye sa pagbitay sa Pinay sang-ayon na rin sa hiling ng pamilya nito.

Naaresto ang 35-anyos na Pinay sa Hangzhul matapos mahulihan ng 6.198 kilo ng heroin sa luggage nito kasama ang isang lalaking nahulihan naman ng 6.171 kilo ng heroin.

Speak Your Mind

*