Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Metro Manila, tumaas

Tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa ilang pamilihan sa Metro Manila tulad ng cooking oil at asukal.

Sa Trabajo Public Market sa Maynila, halos P10 ang itinaas ng kada 1.5 liter ng cooking oil na nasa P100 na ngayon.

Ayon sa mga vendor, kakaunti lamang ang supply ng cooking oil kayat mataas ang presyo nito.

Samantala, nasa P44 kada kilos ang presyo ng white sugar mula P42 lamang noong isang linggo at mula P38 ay P40 na ang halaga ng kada kilo ng brown sugar.

Speak Your Mind

*