Red Cross Pangasinan, umaapela sa publiko ng bolutaryong pagdo-donate ng dugo

Hinihikayat ngayon ng Philippine RedCross, Pangasinan Chapter ang publiko sa bolutaryong pagdo-donate ng dugo dahil sa patuloy na tumaas ang kaso ng dengue at chikungunya sa pangasinan.

Ayon kay Pangasinan Red Cross Administrator Flora Mae Magalong, patuloy na nangangalap ang ahensya ng dubleng dami ng dugo upang mapunan ang supply ng dugo sa lalawigan.

Hindi pa umano nakamit ng Redcross ang standard unit ng dugo para sa pangangailang ng buong probinsya, kayat doble kayod sila lalot na ngayong panahon na uso ang ibat-ibang kaso ng sakit.

Kasabay nito, umaapela si Magalong sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno, mga local government unit at maging ang civic organization na makiisa at magsagawa ng mga blood letting program upang makadagdag sa bilang ng maiibak na dugo.

Speak Your Mind

*