RHU Mangaldan, nagsasagawa ng apat na araw ng Basic Life Support Training

Nanguna ang Rural Health Unit ng bayan ng Mangaldan, Pangasinan para sa apat na araw na Basic Life Support and First Aid Training sa lahat ng mga Brgy Health Workers ng bayan na nagsimula na ngayong araw July 23.

Ayon pa kay Dra. Ophelia Rivera, Municipal Health Officer ng Mangaldan na layunin ng nasabing pagsasanay na maibigay ang sapat na kaalaman at kahandaan ng bawat mamayan lalo na ang mga kinauukulan sa pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng mga residente ng bayan sa aspeto ng pagliligtas ng buhay.

Sa ganitong paraan, mas matututukan umano ng bayan na maitayo ang urgent care clinic na pangangasiwaan naman ng mga dumalong partisipante na kinabibilangan ng mga midwife, nurses, midtech ambulance drivers at health workers.

Inaasahang magtatapos ang naturang training hanggang sa July 26, sa kaparehong lugar ng Senior Citizens Building sa bayan ng Mangaldan. Genevive Ocampo

Speak Your Mind

*