Risk Reduction Management sa mga paaralan, isinusulong ng Red Cross Pangasinan

Nakatutok ngayon ang buong hanay ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter sa pagpupursiging maipabatid sa mga estudyante ang kahandaan sa oras ng kalamidad.

Ayon kay Arjie Gatoc, Disaster Risk Management Focal Person, ng Red Cross Dagupan, isang malaking bagay na makatutulong sa mga bata ang pagkakaroon ng risk reduction management sa bawat paarala.

Sa pamamagitan aniya nito ay maibibigay ang tamang panuntunan kung paano tutugon ang mga bata at guro sa oras ng sakuna.

Sa ngayon, nakatutok ang RedCross, sa mga organisasyon sa ibat ibang paaralan ng dagupan upang maiparating ang mahahalagang bagay na dapat dalhin sa paglikas gaya ng pagkain, maiinom at ilang mahahalagang bagay upang makatiyak ang kanilang kaligtasan.

Speak Your Mind

*