Suplay ng isdang tamban at galunggong sa bansa, matatag parin

Matatag na ang suplay ng mga isdang tamban at galunggong sa bansa.

Ipinagmalaki ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Executive Director Asis Perez na epekto ito ng ipinatutupad nilang pansamantalang fishing ban sa mga piling lugar sa bansa.

Dahil dito, sinabi ni Perez na mura na ulit mabibili ang mga isdang tamban at galunggong sa merkado.

Nilinaw naman ni Perez na bagamat marami na ang suplay ng isdang tamban at galunggong, patuloy pa rin aniya ang ipinatutupad na fishing ban upang bigyan ng pagkakataong makapagparami ng lahi ang mga ito at para maging masagana ang suplay ng mga isda.

Speak Your Mind

*