Yeng Constantino, umaasang huling pag-ibig na ang kanyang first boyfriend

Inamin ni Yeng Constantino na napakasaya niya ngayon at ngayon lang daw niya naranasan ang maging ganito kasaya na para siyang nasa cloud nine.

Ito ay dahil sa kanyang fist ever boyfriend na si Victor Asuncion isang Worship Director ng Victory Christian Fellowship na officially naging ka-relasyon niya noong Hunyo 18.

Ipinagmamalaki pa ni Yeng na umakyat ng ligaw sa bahay nila si Victor kaya naman nagustuhan din ito ng magulang niya at siyempre nakilala na rin ng husto.

Dahil dito, umaasa si Yeng na si Victor na ang una at huli niyang pag-ibig.

Speak Your Mind

*