24/7 Operation Center, itinatag sa Alaminos City

Isang 24/7 Operation Center ang itatag sa syudad ng Alaminos, Pangasinan para tumugon sa mga hindi inaasahang pangyayari katulad ng aksidente, kalamidad at sakuna.

Aantabay sa operation center ang tinaguriang Alaminos Response Team o ART na binubuo ng mga miyembro ng POSO, PNP, General Services Office, Engineering Office at ng Medics Team.

Ang 24/7 Operation Center ay magsisilbi ring referral center kapag may mga pangangailangan sa mga institusyon katulad ng hospital assistance at kailangang dugo.

Ayon kay Phil. National Red Cross Alaminos Chapter Administrator Mylene Onia, ang operation center ay magsisilbing secretariat ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).

Speak Your Mind

*