BJMP Balungao, best BJMP Performer sa Region 1

Tatanggap sa pangalawang pagkakataon ang Balungao Bureau of Jail Management and Penology bilang best BJMP Performer sa buong rehiyong uno.

Itoy matapos masungkit ng bayan ang nasabing parangal noong nakaraang taon mula sa maayos na pamunuan at suporta na nanggagaling sa lokal na pamahalaan ng bayan ng balungao Pangasinan.

Malaki ang naging pasasalamat muli ng BJMP Balungao sa pamumuno ni Chief Insp. Roque Constantino Sison III at nangako na mas paiigtingin pa nito ang pamunuan at sitwasyon sa loob ng balingguan.

Kabilang sa mga panuntunan ng nasabing parangal ang maayos na sitwasyon sa loob ng bilangguan, maayos na pasilidad at regulasyon sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob at pagitan ng mga preso at opisyal ng piitan.

Nangako rin ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Philip Peralta na susuportahan pa lalo nito ang piitan sa de kalidad na kalagayan at atensiyon na ibinibigay sa mga preso. Maila Calderon

Speak Your Mind

*