Blood Samaritan Project, inilunsad ng Red Cross La Union

Muling inilunsad ng Philippine Red Cross La Union-San Fernando City Chapter ang kanilang blood samaritan project upang makalikom ng pondo para masuportahan ang ligtas, reliable at sapat na supply na dugo sa prtobinsya ng La Union.

Ayon kay Red Cross Chapter Administrator Almira V. Abrazado, ang nasabing proyekto ay isang organisadong sistema upang  makapag- generate ng dugo para sa mga pasyenteng mahihirap.

Nasa mandato umano ng red cross na magbigay ng dugo sa mga pasyenteng sumasailalim sa blood transfusion lalo na sa mga miembro ng 4P’s ng DSWD.

Ganunpaman, ayon kay Abrazado, ang subsidiyang ibinibigay sa mga pasyente ay nakadepende sa ilang medical status at financial capability ng pasyente.

Speak Your Mind

*