Comeback fight ni Fil-Am Boxer Ana Julaton, binigo ni Celina Salazar

Hindi naging matagumpay ang comeback fight ni dating two-time WBO Super Bantamweight Champion Ana “The Hurricane” Julaton.

Natalo si Julaton sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang 10-round fight ni Celina Salazar.

Dahil sa pagkatalo ng 33-anyos na si Julaton na tubong Pozzorubio, Pangasinan, hawak niya ngayon ang 12-4 win loss record.

Kung maalala noong nakaraang taon, nalasap ng Fil-Am Las Vegas base ang first-round technical knockout sa kamao ni Abigail Ramos.

Ang Julaton-Salazar bout ay bahagi ng undercard fight ng World Boxing Council Super-Featherweight Title showdown sa pagitan nina reigning champion Takashi Miura at Challenger Sergio Thompson.

Speak Your Mind

*