Complaint at suggestion box, ilalagay sa harapan ng City Hall ng Alaminos

Maglalagay ng complaint at suggestion box sa harapan ng City Hall ng Alaminos, Pangasinan para dito ilagay ang mga reklamo ng mga dumudulog sa munisipyo laban sa mga tiwaling empleyado.

Ayon kay Mayor Arthur Celeste, sa oras na may magreklamo laban sa mga tiwaling opisyal o empleyado at mapatunayan ito, hindi niya umano patatawarin at mananagot at mabibigyan ng kaukulang parusa.

Maaari din umanong ilagay sa complaint box ang mga mungkahi, sumbong, sentimyento o reklamo laban sa mga abusadong miyembro ng POSO at PNP para agad itong maaksyunan ng kaniyang tanggapan.

Binigyan diin ng alkalde na ang kaban ng syudad ay mula sa taong bayan kayat marapat lamang na ibalik ito sa kanila sa pamamagitan ng magandang serbisyo.  (Jimrey Biosa)

Speak Your Mind

*