Construction Safety Training, isinagawa ng DOLE-Region1

Nagsagawa ang Department of Labor and Employment (Dole) Region 1, ng isang pagsasanay kaugnay sa Construction Safety para matulungan ang mga construction companies na maka-comply sa mga safety at health standards ng ahensya.

Mahigit 40 participants na binubuo ng mga owners at mga kinatawan ng mga Small-Scale Construction Companies mula sa mga probinsya ng La Union at Pangasinan, na dumalo sa limang araw na pagsasanay na ginanap sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan.

ayon kay Labor Communications Officer Arly Valdez, ang nasabing training ay sumasakop sa environmental safety, handling of construction machinery, excavation safety, personal protective equipment, occupational safety and health, health legislation, at safety and health practices.

Layunin ng pagsasanay na maiwasan ang aksidente, pagkasugat at kamatayan sa construction industry sa pamamagitan ng tripartism na binubuo ng gobyerno, mga employers at mga manggagawa.

Speak Your Mind

*