Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ipinatupad

Nagpatupad nang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang tinaguriang “Big 3” upang salaminin ang presyo ng inaangkat nilang produkto sa internasyunal na merkado.

Dakong alas-12:01 ipinatupad ng Pilipinas Shell, Petron Corporation at Chevron Philippines ang bagong galaw sa presyo ng petrolyo.

Sa kani-kanilang advisories, nasa P.35 sentimos kada litro sa presyo ng premium at unleaded gasoline ang itatapyas habang nasa P.25 sentimos kada litro sa presyo ng kerosene ang idadagdag, habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Samantala, ang naturang paggalaw sa presyo ay malayo sa tantiya ng Department of Energy (DOE) na dapat nasa P.50 sentimos ang ibababa sa halaga ng gasolina.

Speak Your Mind

*