Disaster and Mitigation Plan sa Dagupan City, mas pinatatag

Inaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod (SP) ng Dagupan ang Disaster and Mitigation Plan ng syudad alinsunod sa probisyon ng Republic Act No. 10121.

Ayon kay Councilor Jose Netu Tamayo, mandato sa nasabing batas na magkaroon ng plano ang Dagupan sa pamumuno ni Mayor Belen Fernandez sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) upang masigurong kontrolado ang mga eventualities at contingencies na darating.

Nakasaad sa nasabing plano ang mga pamamaraan na isasagawa ng syudad upang makapaghanda laban sa anumang kalamidad, kabilang na ang mga kailangang pondo para sa implementasyon ng anumang hakbang.

Ayon pa kay Tamayo, kung wala umano ang nasabing plano, ay hindi basta-basta makapagpapalabas ang syudad ng kanyang disaster budget.

Speak Your Mind

*