DOH, mahigpit na binabantayan ang dumadaming kaso ng chikungunya sa Region 1

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Center for Health Development – Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng Department of Health Region 1 ang dumadaming kaso ng sakit na chikungunya sa rehiyon.

Pinakamarami dito ay naitala sa lalawigan ng La Union partikular na ang bayan ng Rosario, ang karatig bayan at boundary ng probinsya ng Pangasinan.

Ayon sa tala ng DOH Region 1, 97.8% o 270 cases ay naitala sa La Union habang ang Pangasinan ay may anim o 2.2% na kaso ang naitala habang wala pa namang naitatala sa mga lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Karamihan sa mga nabibiktima ng naturang kaso ay mga kababaihan na may 171 na kaso o 62% at 105 naman na lalaki o 38%. at 1 hanggang 80 taong gulang naman ang mga edad na nabibiktima.

Malimit nakakaranas ng lagnat, pananakit ng kalamnan at mayroon rashes ang mga nabibiktima ng nasabing sakit.

Speak Your Mind

*