DTI, tutol sa planong dagdag presyo sa pinoy tasty at pinoy pandesal

Hindi makakapayag ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ipatutupad na P3 dagdag-presyo sa pinoy tasty at P1.50 sa pinoy pandesal ng mga bakers group.

Iginiit ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, hindi sila kumbinsidong aabot sa p3 ang magiging dagdag para sa bawat loaf ng pinoy tasty.

Kasalukuyang nabibili sa halagang P37 ang pinoy tasty habang P22.50 naman sa bawat 10 pirasong pinoy pandesal.

Magugunitang, ang pagtaas ng ipinapataw na taripa sa inangkat na Turkish flour na siyang ginagamit sa paggawa ng tinapay ang idinahilan ng bakers group sa pagtaas sa kanilang produkto.

Speak Your Mind

*