Gilas Pilipinas, dapat dagdagan pa ng naturalized player para 2014 Fiba World Cup

Nais pa ng isang mambabatas na muling kumuha ang Pilipinas ng isang naturalized player para sa National Basketball Team ng Gilas Pilipinas.

Ito ang isinusulong ni Antipolo Rep. Robbie puno, ang nasa likod ng pagiging pilipino ni naturalized center Marcus Douthit ng Gilas Pilipinas, matapos ang silver medal finish ng bansa sa katatapos lamang na 27th FIBA Asia Championship.

Nag-ugat ang pagnanais ni Puno na makakuha muli ng naturalized player matapos hindi makalaro si douthit sa finals ng FIBA dahil sa natamong injury na nauwi sa pagkatalo ng Pilipinas dahil sa naglalakihang Iran sa pangunguna ng 7-foot-2 na si Hamed Haddadi.

Nabanggit ni Puno na ginagawa na ito ng ibang bansa tulad ng Qatar, Lebanon, Russia, Germany at maging ang 2014 FIBA World Cup host Spain.

Speak Your Mind

*