Gilas Pilipinas, excited ng makalaban ang mga NBA Superstar sa FIBA World

Ngayon palang ay excited na ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas na makalaban sa court ang mga iniidolong NBA Stars na kasali sa US Team sa darating na  2014 FIBA World Championship.

Una ng inihayag ni Gary David na kabilang sa kanyang gustong makasabayan si Lebron James at iba pang basketball superstars.

Ayon naman kay Jayson Castro, kailangan nilang magpahinga at magsanay habang naglalaro sa PBA bago humarap sa magagaling na manlalaro sa FIBA World sa Espanya.

Kasabay nito, ipinapayo ni  Iran Coach Mehmed Becirovic, na kailangan ng Gilas ng mas malalaking tao o matatangkad dahil hindi naman madadala sa ibang bansa ang kanilang napakaraming mga pinoy supporters.

Speak Your Mind

*