Ilang bayan sa Eastern Pangasinan, isinailalim sa dengue hot spot

Ilang mga lugar na ang isinailalim sa dengue hot spot ng pangasinan Provincial Health Office hinggil sa patuloy na pagdami ng bilang ng biktima ng dengue.

Ayon sa pahayag ni Provincial Health Officer dra. Ana de Guzman, taun-taong nagtatala ng dagdag na bilang ng dengue cases ang eastern part ng pangasinan kung kayat patuloy rin ang pagbabantay ng mga health experts sa lugar.

Base sa tala ng PHO, aabot sa apatnaraang kaso ang naitala rito mula sa mga bayan ng Rosales, Sta Maria, Umingan, Natividad, Tayug at San Nicolas, labindalawa rito ang namatay na kumpara sa nakaraang taon.

Isa rin umano sa mga tinitingnan na rason ng PHO ang malawak na palayan ng nasabing lugar at dahil na rin sa madalas may tubig ang mga ito bilang patubig na posibleng pinamamahayan o breeding places ng mga babaeng lamok.

Speak Your Mind

*