Libreng konsultasyon at gamot, ipinagkaloob ng PHO sa isinagawang TB, Rabbies at Leprosy Caravan

Nagsagawa ng isang Integrated TB, Rabbies at Leprosy Caravan ang Pangasinan Provincial Health Office sa Bayambang Communtiy Hospital kahapon August 19, 2013.

Itoy tugon sa lahat ng mga residente at apektadong pasyente na magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga nabanggit na sakit kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni dating pangulo ng bansa na si Pres Manuel Quezon na biktima rin ng sakit na TB.

Kaakibat nito ang libreng konsultasyon, gamot at iba pang serbisyong medikal upang maktulong ng kaunti sa pagtitiyak na magiging ligtas at nasa positibong kalagayan pa ang mga involved na pasyente.

Ayon naman kay PHO officer Dra. Ana de Guzman, nakakahawa ang sakit na TB ngunit hindi dapat ito ikahiya, kaya naman pinapayuhan nito ang lahat ng mamamayan na magpakonsulta agad sa doktor sakaling maranasan ng mga ito ang pag uubo na lagpas na sa isang linggo.

Speak Your Mind

*