Mukha ng City Hall ng San Carlos, unti-unti ng nababago

Unti unti na umanong nababago ngayon ang mukha ng munisipyo ng pamahalaang panglungsod ng San Carlos, Pangasinan.

Bahagi pa rin umano ito ng programa ng local executive na maging kaaya-aya hindi lang ang harapan bahagi ng gusali kundi maging sa loob ng munisipyo.

Sa ngayon nakalinya ang lahat ng departamento ng lungsod para sumailalim sa renobasyon gaya ng pagpipintura sa mga opisina nito na dagdag atraksiyon na umano sa araw araw ng transaksiyon sa mga kliyente ng lungsod.

Ayon pa kay City Planning and Development Officer Virgilio Ramos, isusunod na rin ang pagpapatayo ng isang One Stop Business Shop sa mas madaling serbisyo publiko. (Lryna Hernandez)

Speak Your Mind

*