Naitalang kaso ng dengue sa Pangasinan, pinakamataas ngayong buwan

Muling nadagdagan ang bilang ng casualty sa kaso ng sakit na dengue sa lalawigan ng pangasinan ayon sa bagong tala ngayon ng Provincial Health Office (PHO).

Dalawang pagkamatay ang muling naitala ngayong buwan kung saan mataas umano ang bilang ng mga biktima ng dengue mula sa buwan ng enero ng kasalukuyang taon.

Ayon pa kay Rodalla Binay-An, Nurse Coordinator ng PHO, umakyat na sa 2326 dengue cases ang ngayoy pinanghahawakan ng Pho na hindi naman nalalayo sa 2365 cases sa nakaraang taon.

Base sa tala ng PHO, buwan ng Hulyo ang tinaguriang may pinakamataas na bilang ng kaso na umabot sa 1359 cases mula Enero hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, pumalo ng mahigit sa 118 cases o katumbas sa 883% ang itinaas ng mga kaso mula sa 12 kaso noong nakaraang taon.

Pinanguhan itoang bayan ng Dasol na may 40 kaso, Sual 60, Rosales 126, Sta Barbara 94, San Jacinto 38, San Fabian 95, Sto Tomas 17, at Burgos na may 23 kaso.

Speak Your Mind

*