Pagtatayo ng International Airport sa Alaminos City, posible pa

Aminado si Mayor Arthur Celeste na umasa siyang matutuloy parin ang nasimulan ng International Airport sa lungsod ng Alaminos

Ayon kay celeste, nagsimula ang proyekto sa panahon pa ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung saan ang P100 milyon pondong ibinigay noon ay ginamit daw ng nakaraang administrasyon sa pagbabayad para sa mga biniling lote ng paliparan para maging sapat ang space requirement ng airport.

Sa ngayon, ayon kay Celeste, ay tanging access road palang patungo sa planong pagtatayuan ng airport ang makikita.

Naniniwala naman si Celeste na mapapansin pa rin ng National Government ang pangangailangan ng syudad para sa isang International Airport lalo na kung mapapaunlad at mapapaganda nila ang pamosong Hundred Islands.

Speak Your Mind

*