Pagtatayo ng Museum ng Pangasinan, muling binu-buhay

Muling binuhay ng Sangguniang Panlalawigan ang planong pagtatayo ng Provincial Museum sa pamamagitan ng Proposed Provincial Resolution No. 24-2013 na inakda ni second district Board Member Nestor ‘Nikiboy’ Reyes.

Ayon kay Reyes, mahalaga na magkaroon ang Pangasinan museum bilang repository ng mga historical, cultural at political legacy ng probinsya para maitaas ang kamalayan ng publiko at magkaroon ng inspirasyon at maipagmamalaki ng mga pangasinense ang natatangi at matagumpay na nakaraan ng probinsya.

Samantala, bilang hakbang sa nasabing plano, naibigay na sa Committee of Laws and Ordinances at Committee on Tourism, Arts and Culture para sa deliberasyon nito.

Kung maaprubahan ang nasabing panukala ay makapagsimula na rin ang opearsyon ng Provincial Museum sa pangunguna ng Pangasinan Historical And Cultural Commission (PHCC).

Speak Your Mind

*