Pangasinan Mayors League, magsasagawa narin ng imbestigasyon sa mga dating alkalde na sangkot sa Malampaya Fund Scam

Binuksan ngayon ng presidente ng Pangasinan Mayors League (PML) ang imbestigasyon sa apat na dating alkalde at isang incumbent mayor ng Pangasinan na ginamit umano ang kanilang pangalan ng ilang indibidwal na may kaugnayan sa isyu ng Malampaya Fund Scam.

Ayon kay Mayor Noel Nacar ng bayan ng Dasol, ang Pangasinan Mayors League President, ilang linggo bago naisama ang pangalan ng limang alkalde na umano’y tumanggap ng Malampaya Fund, ay una nang nagsabi na wala silang kinalaman o partisipasyon sa nasabing isyu.

Kabilang sa mga bayan na umano’y benepisaryo ng P10 million bawat isa mula sa Department of Agrarian Reform (Dar) na galing umano sa Malampaya Fund, ay ang mga bayan ng Alcala, Binmaley, Mapandan, San Manuel at Urdaneta City.

Ngunit ayon sa limang alkalde na nasangkot dito ay pinatunayan na peke umano ang kanilang pirma sa mga dokumentong isinumite bilang requirement sa pagpapalabas ng nasabing pondo.

Speak Your Mind

*