R&B Singer Chris Brown, muling hinatulan ng 1,000 oras ng community service

Ibinalik ng hukom ang na-revoke na probation ni Chris Brown at hinatulan ang singer ng panibagong 1,000 oras ng community service, kabilang ang paglilinis ng mga highway, pagbubura sa mga graffiti o iba pang iuutos ng probation department.

Ang panibagong hatol kay Chris ay kaugnay ng pagkakaaresto niya dahil sa pambubugbog sa dating nobyang si Rihanna noong 2009.

Dahil sa hatol ni Superior Court Judge James Brandlin, binawi rin ni Deputy District Attorney Mary Murray ang kahilingang kanselahin ang probation ni chris kaugnay naman ng kasong hit-and run na ibinasura ng hiwalay na korte noong huwebes.

Samantala, may isang taon si Chris para kumpletuhin ang nasabing community service at inaasahang muling haharap sa korte sa Nobyembre 20 para sa progress report.

Speak Your Mind

*