Special Recruitment para sa trabaho sa Qatar at Saudi Arabia, ilulunsad sa Pangasinan

Magsasagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 ng special recruitment activity dito sa Pangasinan para sa bakanteng trabaho para sa mga bansang Qatar at Saudi Arabia.

Ang recruitment para sa Medical Workers Overseas ay gaganapin sa darating na araw ng Lunes at Martes, Aug 5-6 na isasagawa sa Public Employment Service Office sa bayan ng Dasol, Pangasinan.

Ayon pa kay DOLE Regional Director Grace Ursua, ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay inaprubahan na ang mga job orders para sa mga doctors (general practitioners), pharmacists, nurses, x-ray technicians, at laboratory technicians.

Ang mga makakapasang aplikante ay makakatangap ng kaukulang suweldo kabilang na accommodation at transportation allowance.

Kailangan din nila ang mga professionals at mga skilled workers kagaya ng mga engineers, pipe fitters, tile fixers, plumbers, steel at fabricators para sa bansang Saudi Arabia.

Speak Your Mind

*