Supplemental budget ng Burgos, aprubado na

Naaprubahan na ang Supplemental Budget para sa taong 2014 ng bayan ng Burgos, Pangasinan na umaabot sa P1,101,887 o mahigit sa isang milyong piso.

Ayon kay budget officer evangeline gamanong, inilaan ng P270,000 mula sa supplemental budget sa mga operational expenses ng bayan kabilang na ang travel, electricity, oil, training and seminar.

Habang ang non-operational expenses naman aniya ay inilaan ng lokal na pamahalaan sa 5% calamity fund at 20% development fund na nagkakahalaga ng P791,397,000.

Inihayag din ni gamanong na naglaan din ng P39,590,00 pondo para sa pagbili ng multi-cab na magagamit ng lokal na pamahalaan ng Burgos. Juvy D.

Speak Your Mind

*