Turismo sa Egypt, apektado na ng patuloy na mga kilos-protesta

Nahaharap sa malakihang pagkalugi ang industriya ng turismo sa Egypt bunsod ng sunud-sunod na pagpapalabas travel advisory ng ibat-ibang bansa dahil sa nagpapatuloy ng kilos-protesta.

Una ng sinabihan ang mga turista sa Egypt na manatili sa loob ng mga tinutuluyang hotel at resort, dahil sa matinding pangamba sa seguridad sa muling pagsiklab ang sagupaan ng mga government forces at mga tagasuporta ni president mohamed morsi

Kabilang sa mga bansang nagpalabas ng travel advisory laban sa Egypt ang Germany, Pilipinas, Britain, Belgium, France, Spain, Italy, Russia, Finland, Norway, Sweden at Austria.

Ang turismo sa ekonomiya ng Egypt, may mahalagang kontribusyon na binubuo ang 11 porsiyento ng kabuuang kita ng Arab Spring.

Speak Your Mind

*