Umano’y pagiging protektor ng Jueteng, pinalagan ng Pangasinan police.

Patunayan muna bago manghusga.

Ito ang naging laman ng pahayag ni Police Provincial Director P/Supt. Marlo Chan sa isyung nagiging protektor ang hanay ng kapulisan sa hindi mamatay-matay na isyu ng iligal na jueteng sa Pangasinan

Malaki rin ang paniniwala ni Chan na pulitika ang nasa likod ng pagpukol sa posisyon nito bilang protektor umano ng jueteng sa lalawigan.

Ani Chan, handa siya sa anumang imbestigasyon at handa itong harapin ang anumang hamon ng ilang pulitiko ukol sa nasabing isyu.

Sakatunayan ani Chan, patuloy lang umano ang pagdakip ng kapulisan sa mga nagpapatupad ng sugal, ang nangyayari lang, ginagamit na front ang jai alai bilang pantakip sa nasabing sugal.

ipinangako naman ni Chan, ginagawa ng kapulisan ang lahat para sa kaayusan at kapayapaan sa lalawigan.

Speak Your Mind

*