Water lebel ng Agno River, normal pa.., tubig ng San Roque Dam, malayo pa sa spelling level

Normal pa umano sa ngayon ang lebel ng tubig sa Agno River habang nasa mababa pa rin ang water level ng San Roque Dam at wala pang abiso na pagpapakawala ng tubig.

Ito ang naging pahayag ni Agno River Basin Flood Control and Warning Center Head Engr. Larry Esperanza, nasa 264 meter above sea level ang kasalukuyang lebel ng tubig ng San Roque Dam kung saan malayo pa aniya ito sa 280 meter na spilling level na nasabing dam.

Tanging nasa monitoring muna ngayon ang naturang tanggapan sa tatlong gauging station ng Agno River sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig sa kailugan nito kabilang ang bayan ng Sta. Maria, Bugallion at Bayambang Pangasinan.

Sa patuloy umano na pagbuhos ng ulan sa kalahang bahagi ng Luzon, inaabisuhan ang lahat ng mga apektadong kababayan natin na makiisa sa panawagan ng ma otoridad sa mas maagang paglikas mula sa mga ibinabang alerto ng kinauukulan.

Speak Your Mind

*