2013 Miss Supranational Mutya Johanna Datul, paparangalan sa Isabela

Pararangalan ng Sangguniang Panlalawigan ng Isabela si 2013 Miss Supranational Mutya Johanna Datul.

Sa isinagawang regular session, inihain ang resolusyon para bigyang pagkilala si mutya makaraan itong maguwi ng karangalan sa bansa.

Matatandang, si Mutya ang kauna-unahang pinay beauty queen at asyanong kinoronahan bilang Miss Supranational.

Inaasahan namang magsasagawa ng isang motorcade ang mga taga-Isabela bilang pagkilala sa tagumpay ni Mutya.

Speak Your Mind

*