24/7 Hotline Public Assistance para sa mga OFW, binuksan ng PESO

Binuksan na ng Provincial Employment Services Office (PESO) ang kanilang 24-hour Public Assistance Hotline Toll Free Service para sa mga pangasinense na Overseas Filipino Workers (OFWS) na kasalukuyang nagtatrabaho sa bansang Syria.

Sa isinagawang pagtitipon kamakailan ni Provincial Administrator Rafael Howard Baraan wala umanong seryosong problema sa mga pangasinenseng OFWS na nasa Syria pa rin hanggang ngayon sa kabila ng nangyayaring kaguluhan doon.

Ayon pa kay Alex Ferrer, ang Peso Chief Officer ng Pangasinan, maaaring tawagan ang kanilang hotline anumang oras sa teleponong (+6375) 662-1120.

Ang mga OFW’S na uuwi ay maaari na rin silang bumubo ng isang grupo at gawing kooperatriba para makapag set-up na sila ng kanilang sariling livelihood activities at ito ay pwedeng isali sa Livelihood Reintegration Program ng probinsya sa ilalim ng credit surety fund.

Speak Your Mind

*