Angel Locsin, umalma na sa umano’y kumakalat niyang photo scandal

Umalma na rin si Angel Locsin kaugnay sa matagal nang kumakalat na umano’y kanyang photo scandal at iginiit na  malinis ang kaniyang konsiyensiya.

Binigyang diin ng aktres na hindi siya ang nasa larawan at ilang beses na umanong ipinakikita ito sa kaniya ng mga kritiko.

Ayon sa aktress wala raw siyang magawa, at pikit mata na lang niya itong tinatanggap.

Sa sinasabing photo scandal, nakasuot umano ang aktres ng pulang damit at luwa ang isa nitong dibdib.

Ayaw namang patulan ni Angel ang kaniyang mga kritiko na iginigiit na siya ang nasa iskandalosong larawan, dahil hindi naman umano niya kilala ang mga ito ng personal.

Speak Your Mind

*